TERNATE, Cavite -- Naniniwala si IBF Super Flyweight Champion Jerwin Ancajas na isang malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya sa pagdepensa sa titulo sa Mayo 4 sa Stockton, California.

ANCAJAS: Bagong ‘Pacman’.

ANCAJAS: Bagong ‘Pacman’.

Ayon sa 27-anyos na si Ancajas, dismayado siya sa naging resulta ng kanyang nakaraang laban kung kaya naman puspusan ang ensayo na ginagawa niya ngayon sa kanyang bagong training hub sa mismong Marine Base Gregorio Lim dito.

“Alam ko po maraming na disappoint sa last bout ko po. Kaya naisip ko na hindi pala talagang hindi biro ang title na hawak ko. Dapat madepensahan ko ng maayos kasi pangalan po ng bansa natin ang nakataya dito,” ayon sa pambato ng Panabo City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isang tahimik at magandang lugar ang kasalukuyang training hub ni Ancajas sa loob ng kampo ng mga Marino kung saan isa rin siyang Reserved Officer.

Makakalaban ni Ancajas ang Japanese challenger na si Ryuichi Funai na kampeon din pagdating sa boxing at kasalukuyang may 4 stars rating pagdating sa kanyang mga labanan.

Ngunit, ayon sa pambato ng Pilipinas na si Ancajas,nasa 90 porsyento na ang kanyang nakukumpleto sa kanyang paghahanda, sa pangangasiwa ni coach Joven Jimenez na lubos din ang suporta sa kanya, pati na ang match maker na si Sean Gibbons.

“90% na po ng training ‘yung nakukumpleto ko. Kaya alam ko po bago dumating yung mismong bout, kondisyon na po ako,” aniya.

Pinatunayan naman ng mismong personal nutritionist ni Ancajas na si Jeaneth Aro, na ilang linggo pa bago ang nasabing labanan ay nakuha na agad nito ang kanilang target na timbang na 125 lbs.

“I am actually telling him kung saan siya kumportable, yun ang susundin namin na diet niya. And I am happy to announce that kahapon lang na achieved na niya agad ang target weight namin na 125 lbs, less than three weeks before the bout. So talagang effective yung training niya, and maganda yung disiplina niya sa sarili niya. But I told him na kumain na muna ng kaunti ngayon tapos before April 23 kailangan 125 na siya ulit,” pahayag ni Aro.

Nakatakdang umalis ng bansa si Ancjas at ang buong koponan ngayong darating na Abril 23 patungong Estados Unidos para ituloy ang training at paghandaan ang laban.

-ANNIE ABAD