"Beware of littering as environmental enforcers could be watching you."

Ito ang babala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang makahuli ng kabuuang 4,316 na violators sa anti-littering operations sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Sa report, sinabi ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Police Office (HPSEPO) na nasa 965 litterbugs ang nahuli nitong Enero; 1,053 nitong Pebrero; at 2,298 nitong Marso.

Sa kabuuang bilang, umabot sa 1,487 violators ang nagbayad ng multa habang 32 violators ang nag-community service sa loob ng walong oras.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon pa sa MMDA, ang mga nahuli ay mula sa Monumento, Cubao, Ortigas district, EDSA-Taft, Guadalupe, North-EDSA, Buendia at iba pang bahagi ng Metro Manila.

"We are calling on the public to refrain from littering in the streets. Remember that garbage, no matter how small or big it is, end up in the drainage that contributes to flooding. Proper garbage disposal is everyone’s responsibility," sambit ni MMDA Chairman Danilo Lim.

-Bella Gamotea