MIYERKULES ng hapon nang dumating ang dalawang kapatid ni Batangas Rep. Vilma Santos - Recto na sina Winnie at Maritess, mula sa US, para sa lamay ng kanilang inang si Milagros Santos, na kilala sa showbiz bilang si “Mama Santos”.

Vilma only copy

Pumanaw sa edad na 93 si Mama Santos dahil sa iniindang Alzheimer’s at ang kanyang labi ay nakalagak sa Loyola Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque hanggang bukas, April 6.

Sa lamay nitong Miyerkules, dumating ang ilang Kapamilya executives, gaya nina Tita Cory Vidanes, Direk Loren Dyogi, Reiley Santiago, ang business unit head ng ABS-CBN talent search programs; Star Cinema head na si Tita Malou Santos, sina Renee Salud, Direk Bobot Mortiz, at mga Vilmanians.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Punong-abala sa pag-aasikaso ng mga bisita from all walks of life, showbiz man o politics, ang mag-amang Senator Ralph Recto at Ryan Christian Recto, with Ate Vi’s siblings, Emily, Ma r i t e s s , Winnie at Sonny Boy. Dumating ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola, s u b a l i t b a g o dumating ang 6 : 0 0 p m a y umeskapo na ang dalawa. Same with Tita Cristy Fermin, na hindi na namin inabutan bandang 8:00 pm.

Ilang friends from the press din ang dumating gaya nina Ambet Nabus, Jerry Olea, Virgie Balatico, Vir Mateo, Mico Cayago, Sandy Es. Mariano, at iba pa.

Huling lamay na ngayong Biyernes at may misa at eulogy para sa mga kaanak at kasamahan sa showbiz at pulitika ng Star for All Seasons.

“Magkakaroon ng misa sa umaga on Saturday and we’ll just bring the urn of Mama sa Alabang, sa isang simbahan doon, kasi meron na siyang lugar doon,” sabi ni Ate Vi.

“Kaya naman Loyola ang pinili ko [sa burol], kasi andito si Papa. Dito nakalibing si Papa sa Loyola.

“Since creamated na si Mama, ipapakuha ko na lang ‘yung bones ni Papa tapos isi-shred na lang tapos ilalagay ko na rin lang sa urn, then pagsasamahin ko na lang silang dalawa doon sa simbahan sa may Alabang. Basta, somewhere in Alabang.

“May misa, sa Friday. At least kumpleto na kaming magkakapatid. If we need to say something at pakisalamatan lahat ng nakiramay, ganu’n lang. But nothing really na bonggacious.

“‘Yung mass sa Friday will be 6:00 pm, kasi si (Gaudencio) Cardinal Rosales ang magmimisa. Taga-Lipa si Cardinal at naging kasama-kasama siya ng Mama ko noong mayor ako.

“Gumagawa n g r o s a r y s i m a m a binibigay niya kay Cardinal kaya’t kilala n i C a r d i n a l R o s a l e s s i M a m a , ” sabi pa ng Batangas solon.

-ADOR V. SALUTA