PSI, nagbukas ng pintuan para sa PSL, Mojdeh

NAGBUKAS na ng pintuan ang Philippine Swimming Inc. sa mga batang swimmer na hindi kabilang sa kanilang club roosters.

MOJDEH: No.1 Pinoy swimming age-grouper

MOJDEH: No.1 Pinoy swimming age-grouper

At isa sa matagal nang kumakatok para mapabilang sa National Team ang swimming sensation na si Jasmine Micaela Mojdeh ng Philippine Swimming League (PSL).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matapos ibigay ang ‘blessing’ ni PSL president Susan Papa, nakipagpulong ang kampo ni Mojdeh kay PSI president Lani Velasco kung saan nagkasundo ang magkabilang kampo para makasama ang 12- anyos multi-medalist internationalist sa mga tryouts ng PSI para sa pagpili ng mga miyembro ng National Team.

“Actually po, simula pa lang po ito. Sa blessing po ni coach Susan Papa, pinayagan po niya si Jasmine na mag-tryout sa SEAG age group team, pero huli na po dahil natapos na yung try-outs pero tinaggap po kami ng PSI para sa mga susunod na tryouts,” pahayag ni Joan, ina ni Mojdeh.

Iginiit ni Mojdeh na walang restriction na ibinigay ang PSI kay Jasmine.

“Hindi po nila pipigilan si Jasmine sa paglaban sa mga program ng PSL kasi dito po kami talaga member. Sa ngayon, dahil hindi pa po opisyal na club member ang PSL sa PSI, adobted muna nila si Jasmine,” sambit ni Joan.

Ayon kay Joan ang pagpayag ng PSI na makalaro si Mojdeh na walang ‘restriction’ ay inaasahang magiging daan para sa madaling pagsuporta ng PSL na maging club member.

“Ito po kasi ang matagal nang ipinaglalaban ni coach Susan (Papa), palanguyin ang mga swimmers ng PSL na walang restriction,” sambit ni Joan.

Sa kasalukuyan, ang PSL ang pinakamatagumpay na swimming club sa bansa bunsod nang pagkakarooon ng regular program sa grassroots level. ang mga swimmers ng PSL tulad nina Mojdeh, Marc Dula at Julie Basa ay patuloy na humahakot ng karangalan sa age-group tournament sa abroad.

Matagal nang may iringan ang swimming community, kabilang na ang PSL sa PSI na dating pinamumunuan ng namayapang si Mark Joseph.

Sa kaganapan, inaasahang bubuksan na rin ng PSI ang tryouts para sa National team na lalaban sa SEA Games sa lahat ng Pinoy swimmers naumang ang club affiliation.

-Edwin Rollon