‘Hitman’ at Cage Gladiators, nagkakaisa para maitaas ang kalidad ng MMA sa bansa

PATULOY ang pagtaas ng kamalayan ng Pinoy sa mixed martial arts (MMA) at ang tagumpay na nakakamit ng mga local fighters sa international promotions ang nagbunsod kina Burn Soriano ng Hitman MMA at dating UFC fighter Laurence Canavan na itaguyod ang Cage Gladiators.

PINOY MMA! Ikinatuwa ni BRAVE world bantamweight champion Stephen Loman ang matagumpay na pagdepensa sa korona sa harap ng mga kababayan, gayundin ang patuloy na pagtaas ng kalidad ng MMA sa bansa, habang nakiisa siya sa mga programa na isinusulong ng Cage Gladiator sa pangunguna nina (mula sa kaliwa) Burn Soriano ng Hitman MMA at Laurence Canavan sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

PINOY MMA! Ikinatuwa ni BRAVE world bantamweight champion Stephen Loman ang matagumpay na pagdepensa sa korona sa harap ng mga kababayan, gayundin ang patuloy na pagtaas ng kalidad ng MMA sa bansa, habang nakiisa siya sa mga programa na isinusulong ng Cage Gladiator sa pangunguna nina (mula sa kaliwa) Burn Soriano ng Hitman MMA at Laurence Canavan sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

“We need to put an end sa mga underground fights. Bukod sa walang seguridad sa mga fighters, nae-exploit sila ng mga unscrupulous promoter,” pahayag ni Soriano, dating sumasabak sa promosyon ng ONE, sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaisa niya si Caravan sa layuning mapataas ang kalidad ng kompetisyon at mabigyan ng pagkakataona ang Pinoy fighters na mahasa at malinang angkanilang mga talento upang makalaban sa international competition sa hinaharap.

“I believe in giving back to the community. I’ve done a lot of programs for the poor children like feeding programs, but one of my passions is really MMA. When I found out about the fighters here, and I started to take a closer look at the fighters, we really have a deep talent pool in this country for MMA. Eventually I find out that there’s no assistance for them, so I formed a non-profit organization,” pahayag ni Canavan, 23 taon nang nanirahan sa bansa kasama ang Pinay na maybahay, sa lingguhang forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

“What I do is I have companies that donate into the foundation, and the foreign companies that we have right now are loving this, but we need to expand it, because the more comes in, the more fighters we can help out. Right now, we have fighters in ONE FC, UFC, Brave, URCC, among others,” aniya.

Sa ikatlong serye ng Cage Gladiator, itatampok ang mataas na kalidad ng duwelo tampok ang mga premyadong local fighters laban sa mga Korean tivals sa Linggo (Abril 14) sa Sky Dome sa SM North.

Tampok na laban Fight Night ang paghaharap nina MUMMA Fight Club’s Jeffrey “Hitman” Biron kontra Extreme Combat’s Kim Jae Woong sa hree-round featherweight contest.

Sa co-main bout, magtutuos sina Sprawl MMA’s Miguel Alo kontra Extreme Combat’s Min Hyeok Lee sa lightweight division.

“It’s the third Fight Night. This is very exciting kasi ‘yung maglalaban is Korea versus Philippines. This is the best first time that we invited the best of the Korean fighters para pumunta at lumaban sa event dito,” pahayag ni Soriano.

Iginiit ni Soriano na sinamahan nila ng foreign fighters ang fight card upang higit na maging kapana-panabik at maipamalas ng Pinoy ang kanilang kakayahan, higit sa aspeto ng ‘Striking’.

“No doubt, ito ang talagang panlaban natin,” sambit ni Soriano.

Kinatigan ni BRAVE world bantamweight champion Stephen Loman ang pahayag ni Soriano, ngunit iginiit na kailangan madevelop ng Pinoy ang wrestling at grappling upang higit na maging mapanganib.

“Namulat kasi tayo sa sports na boxing, kaya normal na sa Pinoy yung husay sa striking. But against foreign fighters, kailangan nating maging mahusay din sa grappling at wrestling,” sambit ni Loman, naidepensa ang titulo laban sa foreign rival via fourth round TKO kamakailan sa BRAVE promotion sa MOA Arena.

Iginiit nina Canavan at Soriano na ang Cage Gladiator ay handang tumalima sa regulasyon ng Games and Amusement Board (GAB) para sa mga susunod na promosyon.

“We already talking with GAB people. But next year, lalapit na kami sakanila. But right now, non-profit program itong Cage Gladiator, but we assured the public and the fighters na maproproteksyunan sila dito,” pahayag ni Soriano.

“Pinaka magagawa namin ngayon is to support the up-and-coming fighters. Tapos gumagawa kami ng palaro, inaayos namin, cinocompensate namin sila ng maayos. We make sure na safe sila, may mga taga-medical, lahat. At saka may mga programs kami na tumutulong kami sa mga nangangailangan para maiwas sila sa mga bisyo, through MMA sports,” aniya.

-Edwin G. Rollon