ANG dami sigurong dalang swimsuit si Angelica Panganiban nang magbakasyon sa Boracay dahil sa mga post niya sa Instagram (IG), iba’t ibang swimsuit ang suot nito sa paliligo sa dagat pati sa kanyang pictorial.

Angelica copy

Sa post ni Angelica habang nasa tabi ng dagat, aniya, “Realizing you are now toxic free” na nakatanggap ng reaksyon mula sa kanyang mga kaibigan.

Kabilang sa mga nag-react sina Angel Locsin, Direk Andoy Ranay, Nadia Montenegro, Denise Laurel, Yeng Constantino at sa iba pa niyang litrato, sina Gabby Eigenmann, Candy Pangilinan, Direk Dan Villegas naman ang mga nag-react.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Walang binanggit na pangalan si Angelica sa caption niyang may nabanggit na toxic free, ang followers nito ang nagbigay meaning at inakalang may pinatatamaan si Angelica, kaya may comment ng isang fan, “Umasa. Nagmahal. Nasaktan. Nag-beach. You’re on fire girl.”

May nag-comment pa ng, “Pahalagahan mo eto babaeng to habang nasayo pa, hindi ‘yung ‘pag nawala na sayo saka mo lang makikita ‘yung halaga niya. ‘Di ba? @iamangelicap.”

Pansinin na wala ring binanggit na pangalan ang mga nag-comment, pero alam ng mga nakabasa kung sino ang gusto nilang tukuyin. ‘Wag na rin tayong magbanggit ng pangalan para hindi mapunta kay Angelica ang sisi.

-NITZ MIRALLES