Napilitang i-airlift ng mga rescue workers ang nasa 1,300 sakay sa isang cruise ship matapos magkaproblema sa makina ang barko, dulot ng masamang panahon sa Norway.

Ang Viking Sky cruise ship

Ang Viking Sky cruise ship

Nagpadala ng SOS message ang Viking Sky cruise ship dahil "engine problems in bad weather", ayon sa rescue center ng katimugang Norway.

“The boat only has one working engine and the winds are rather strong. Therefore we would prefer to have the passengers on land rather than on board the ship," ayon kay Tor Andre Franck, police chief.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Karamihan ng pasahero ay British at Amerikanong turista na bumibisita sa mga bayan at siyudad ng Narvik, Alta, Tromso, Bodo at Stavanger sa Norway.

Bukod sa apat na helicopter, rumesponde na rin sa lugar ang coastguard at sea rescue boats para tumulong sa rescue operation.

"The boat is stable. It has dropped anchor and one of its engines is working," pahayag ng rescue centre spokesman na si Borghild Eldoen.

AFP