MULING mahuhusgahan mamayang gabi ang love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, sa pagsisimula ng kanilang 12th team-up sa epic serye na Sahaya.

Bianca & Miguel copy

Kinaiinggitan nga ng fans ng ibang love teams ang BiGuel, dahil since nagsimula sila in 2011 sa Magic Palayok ay hindi na sila nagkahiwalay, kahit pa ang ibang love teams ng GMA Network ay naitambal na sa iba.

Kaya naman thankful sina Bianca at Miguel na patuloy ang suporta ng BiGuel fans sa bawat project nila.

Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

May pressure ba sa BiGuel na muling susubukan ang tambalan nila, after ng high-rating serye noon na Kambal, Karibal?

“Meron po,” sagot nina Bianca at Miguel. “Unang-una po, ang papalitan namin ay talagang tumatak din sa puso ng mga televiewers, ang naiiba ring story ng little people na si Jo Berry, si Onay sa Onanay. Nag-top rating po sila, at ngayon, kami naman ang papalit sa kanila.

“Pero ipinapangako po namin na magugustuhan din ng mga netizens ang bagong io-offer namin para sa kanila at ng GMA.”

Titingnan natin kung paano magsisimula ang buhay ng Badjao na si Sahaya (Bianca), at ang lalaking laging nasa tabi niya, si Ahmad, played by Miguel.

Ang iba pang bubuo sa cast ng Sahaya ay sina Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Jasmine Curtis Smith, Pen Medina, Ana Roces, Snooky Serna, Ashley Ortega, at si Migo Adecer, na ka-love triangle nina Bianca at Miguel.

May special participation din sina Benjamin Alves, Gil Cuerva, at Karl Medina.

Sa direksiyon ng mahusay na indie/TV director na si Zig Dulay, mamayang gabi na ang world premiere ng Sahaya pagkatapos ng Kara Mia, sa GMA.

-NORA V. CALDERON