IILAGAN CITY -- Ikinasiya ni Ilagan City Mayor Evelyn Diaz ang kaloob na P15 milyong na halaga ng mga sports equipment buhat sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kanilang hosting ng Batang Pinoy Luzon Leg.

Sinabi ni Mayor Diaz na malaking tulong para sa kanilang lungsod ang nasabing mga sports equipments, upang mas lalo pa nilang mapalakas ang kanilang sports program.

“Unang una nagpapasalamat kami. We really need more support from other agencies, we are so lucky at napili kami, “ ayon kay Diaz.

“Dahil po sa mga sports equipments na ito mas marami pa kaming mga kabataan na matutulungan para mag focus sa sports. Sobrang napakalaking tulong po nito sa amin lalo na sa sports program po namin na Aang Lakas ng Batang Ilagenyo,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang unang pagkakataon na nag host ang Ilagan ng Batang Pinoy kung saan ayon pa kay Mayor Diaz, ay malaking tulong sa kanila upang mailunsad ang kanilang pagiging “Sports tourism Hub” ng bansa.

“It’s an honor for all of us. First time po naming ito na maghost ng Batang Pinoy. this will help us rise Ilagan as a Sports Tourism Hub of the Philippines,” ayon pa kay Diaz.

Tatagal ng siyam na araw kompetisyon sa nasabing leg, kungsaan tampok ang mahigit sa 5000 mga batang atleta, bitbit ang kani-kanilang mga Local Government Units, kabilang na ang mga out-of-school youth.

-Annie Abad