Mga Laro sa Huwebes

(FEU-Diliman field)

9 a.m. – UE vs NU (Men)

1 p.m. – UP vs UST (Men)

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

3 p.m. – FEU vs AdU (Men)

GINAPI ng Far Eastern University ang defending champion University of the Philippines, 2-1, upang makamit ang solong pamumuno nitong Linggo sa UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch sa Quezon City.

Umiskor ng tig-isang goal sina Anthony Decena at Jermi Darapan upang iluklok ang Tamaraws sa ibabaw ng standings sa natipon nilang 11 puntos.

Dahil sa kabiguan, nalaglag naman sa top 4 ang Fighting Maroons na may 6 puntos.

Sa iba pang laban, umiskor ang substitute na si Conrado Dimacali sa ika-82 minuto upang ipanalo ang University of Santo Tomas kontra University of the East, 3-2, na nag-angat sa kanila sa ikalawang puwesto matapos makalikom ng 9 na puntos katabla ng De La Salle.

Mayroon namang 7 puntos, bumaba sa ikatlong puwesto ang Red Warriors kasalo ng Ateneo Blue Eagles na nanaig kontra Adamson University Falcons, 4-0.

Nakaiskor para sa Ateneo sina Mark Nacional na nakapagtala ng brace at Jarvey Gayoso at Luca Alleje na nag-ambag ng tig-isang goal.

-Marivic Awitan