Nagsimula nang mag-self demolish ang ilang resort sa Boracay Island makaraang igiit ng Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group na hindi na sila papayagang muling makapag-operate.

BORA download (5)

Ayon kay Rowen Aguirre, secretariat ng nasabing management group, aabot sa 10 resort, karamihan sa station 2 ang nakatangap ng notice of demolition matapos silang makitaan ng mga paglabag sa batas.

Kabilang sa kanilang paglabag ay ang pagkakatayo ng kanilang establisimyento sa government property, paglabag sa easement zones habang ang iba naman ay nag-operate habang hindi pa nakatangap ng accreditation sa Department of Tourism.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nilinaw ni Aguirre, binigyan na nila ng 15 araw na palugit ang 10 resort upang gibain ang kanilang establisimyento.

Jun N. Aguirre