Nakapagtala ng dalawang phreatic eruptions ang Phivolcs sa Bulkang Mayon kahapon ng umaga at ngayong Biyernes ng umaga.

Bulkang Mayon noong Pebrero 2018 (MB, file)

Bulkang Mayon noong Pebrero 2018 (MB, file)

Batay sa huling advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang 6:27 ng umaga ngayong Biyernes nang magbuga ng abo ang bulkan sa direksiyong timog-kanluran at may taas na 300 metro. Kahapon, dakong 8:11 ng umaga nang unang makapagtala ng phreatic eruption ang bulkan, na ang makapal na abo ay may taas na 500 metro at may kaparehong direksiyon.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala rin ng anim na volcanic earthquakes at dalawang rockfall events ang seismic monitoring network, habang dalawa sa mga pagyanig na ito ay kinumpirmang may kaugnayan sa phreatic eruption events kahapon at ngayon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi pa ng Phivolcs na makikita ang pagniningas sa bunganga ng bulkan tuwing gabi, na nangangahulugang nag-aalburoto ang bulkan.

Nananatili ang alert level 2 sa Mayon, at binigyang babala ang publiko laban sa biglaang pagsabog, lava collapses, pyroclastic density currents, at ashfall mula sa bulkan.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa six kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan, ayon sa Phivolcs.

Niño N. Luces