HANDA na at nasa tamang aspeto ang programa ng Davao City para sa hosting ng Palarong Pambansa – pinakamalaking multi-event championships para sa mga estudyante – sa Abril.

Siniguro ni Michael Aportadera, head ng Davao City Sports Division Office, na natugunan ang lahat ng pangangailangan para sa paghahanda batay na rin sa kautusan ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.

“Davao City is ready to host the Palarong Pambansa. We welcome everybody. We make sure nasa tamang ayos ang lahat. Priority namina ng mga atleta, coaches at mga bisita natin sa lungsod,” aniya.

Ito ang ikalawang pagkakataon mula ang ilarga ang Palaro noong 1950 na nagsilbing host ang lungsod na pina-angat ng husto sa pamamahala ng dating Mayor at Pangulong Duterte.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabuuang 12,000 estudyanteng atleta, buhat sa 17 rehiyon sa buong bansa ang kalahok sa taunang event.

Target din ng nasabing lungsod na agawin ang titulo sa overall champion na National Capital Region (NCR) para sa prestihiyosong kompetisyon, na kanila namang sinimulan sa kanilang pagkopo ng liderato sa Mindanao leg ng Batang Pinoy na ginanap sa Tagum City Davao del Norte kamakailan.

Makakatuwang ng Davao City ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Education (DepEd) para sa hosting na kamakailan lamang ay nagsanib puwersa upang isakatuparan ang pagtuklas sa mga batang atleta sa pamamagitan ng grassroots sports program.

Kaugnay nito, magsasagawa ang PSC ng sports journalism para sa mga estudyante na kabilang sa mga school papers.

-Annie Abad