Hindi na dapat itaboy ang mga mangingisdang Pinoy sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Panelo

Panelo

Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod na rin ng napaulat na hinaharang ng mga Chinese vessel ang mga Pinoy na nagtatangkang mangisda sa Pagasa Islands, kahit na bahagi pa rin ito ng EEZ ng bansa.

Pagtatanggol ni Panelo, mali ang naging hakbang ng Chinese coast guard dahil karapatan ng mga Pinoy na mangisda sa lugar.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Certainly it's not correct because that is our area. We, from the very start we said that's ours. And our fishermen have been doing that, our fishermen have been fishing there. So nobody has the right to drive our fishermen away," aniya.

Gayunman, ikukumpirma muna nila sa Department of National

Defense (DND) ang nasabing ulat bago pa sila maglabas nang opisyal na pahayag sa usapin.

-Argyll Cyrus B. Geducos