Dahil malapit na ang tag-init sa bansa, nagbabala ngayong Sabado ang Department of Health sa publiko laban sa dehydration at iba pang sakit na karaniwan tuwing summer.

(MB, file)

(MB, file)

Partikular na pinag-iingat ni DoH Secretary Francisco Duque III ang matatanda at bata laban sa dehydration.

Sa mga matatanda, aniya, ay mahirap magkaroon ng dehydration dahil hindi na napa-process ng kanilang utak ang uhaw, kaya kahit walang tubig sa katawan ay hindi sila nauuhaw.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Mas mabilis naman aniyang ma-dehydrate ang mga bata at mga sanggol kaya dapat silang palagiang painumin ng tubig.

Pinag-iingat din ng kalihim ang publiko sa iba pang karamdaman sa tag-init, gaya ng pagtaas ng blood pressure, heat stroke, heat exhaustion, at mga sakit sa balat, tulad ng sunburn, bungang-araw, at iba pa.

Ipinayo rin ni Duque sa publiko na iwasang mabilad sa araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, dahil mas mabilis umano itong magdulot ng dehydration.

Mary Ann Santiago