Nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ang kabuuang 1,269 na ecstasy tablets, na nagkakahalaga ng P2.157 milyon, sa isang mall sa Pasay City, ngayong Biyernes.

ECSTASY

Ang naturang ecstasy ay mula sa Netherlands, na nakapangalan sa isang G. Woorthuzen at idineklarang "light box".

Sa pagsusuri ng Cutoms officer, nadiskubre na ang package ay naglalaman ng tatlong self-sealing plastic bags ng ecstasy tablets, na kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laboratory.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong 2018, naharang din ng BoC-NAIA ang 30 illegal drug shipments, bilang tugon sa direktiba ni BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ipagpatuloy ang pagbibigay seguridad sa borders at kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabat na mga ecstasy noong nakaraang taon ay umabot sa P28.381 milyon, kabilang ang 962 pirasong ecstasy mula sa Netherlands noong Abril; 1,003 ecstasy mula sa Germany noong Hulyo; at ang record breaking na 14,730 ecstasy mula sa France noong Agosto.

-Bella Gamotea