Patay ang isang brigade commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sugatan naman ang kasamahan nito nang ratratin sila ng apat na lalaki sa M'lang, North Cotabato, nitong Linggo ng umaga.

COTABATO

Sa ulat na natanggap ng Cam Crame, nakilala ang napaslang na si Jun Pananggulon, commander ng 7th Brigade ng 108th Base Command ng MILF.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagpapagaling naman sa pagamutan ang kasamahan nito na si Toto Magulayan dahil sa mga sugat nito.

Bago ang insidente, binibisita lamang ni Pananggulon ang maisan at sagingan nito sa Barangay Gaunan nang maganap ang pananambang, nitong Linggo ng umaga.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang apat na suspek na sina

Tengan Anog, Nindi Dengkang, Pong Anog at Junior Abdul.

Nang isailalim sa imbestigasyon, inamin ng isa sa mga suspek na nagawa lamang nila ang krimen bilang ganti sa napatay na

kapatid na si MNLF commander Budo matapos na tambangan, nitong nakaraang taon.

-Aaron Recuenco