TINIYAK ni Philippine flyweight champion Genisis Libranza ang kanyang unang panalo sa United States nang talunin sa 8-round unanimous decision si Mexican Gilberto Mendoza kamakalawa sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Taliwas naman ang kapalaran ni WBO No. 1 at WBA No.1 featherweight at IBF No. 10 at WBC No. 13 super bantamweight Genesis Servania nang matalo sa 10-round unanimous decision sa walang talong si Mexican-American Carlos Castro na natamo ang WBC Continental Americas super bantamweight title sa hiwalay na duwelo sa Save Mart Arena, Fresno, California.

Inayos ni international matchmaker Sean Gibbons na maisabak si Libranza sa undercard ng depensa ni WBA super featherweight champion Gervonta Davis na pinatulog sa 1stround si Mexican Hugo Ruiz.

Na-upset naman ni Castro si Servania sa kanilang super bantamweight bout kaya tiyak na papasok sa world rankings ang Amerikano na kinilingan ng mga kababayang hurado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Unbeaten super bantamweight Carlos Castro (22-0, 9 KOs) outpointed former world title challenger Genesis Servania (32-2, 15 KOs) over ten. Scores 99-91, 100-90, 98-92,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

-Gilbert Espeña