SA Artikulo XI, ng Accountability of Public Officers ng Philippine Constitution, mayroong probisyon sa Seksyon 17: “A public officer o employee shall, upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth. In the case of the President, the Vice president, the Members of the Cabinet, the Congress, the Supreme Court, the Constitutional Commission and other constitutional offices, and officers of the armed forces with general or flag rank, the declaration shall be disclosed to the public in the manner provided by law.”
At sa Artikulo II, sa ilalim ng State Policies, nakasaad sa Seksiyon 28 na: “Subject to reasonable conditions prescribed by law, the State adopts and implements a policy of full public disclosure of all its transactions involving public interest.”
Nitong Lunes, inihayag ng Malacañang, sa pamamagitan ni presidential spokesman Salvador Panelo, na maaaring nalabag ng Kamara ang mga probisyong nabanggit nang aprubahan nito kamakailan ang House Resolution 2467, na nagsasaad na kinakailangan ang pag-apruba ng plenaryo sa Kamara bago mailabas ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga mambabatas. Anumang hiling para sa SALN ng kongresista ay kinakailangan magbigay ng rason dagdag pa ang bayad na P300 sa kada kopya.
Ipinunto ni presidential spokesman Panelo na sa simula ng administrasyon, naglabas si Pangulong Duterte ng isang Executive Order No. 2 sa Freedom of Information, upang maging bukas sa publiko ang mga SALN ng opisyal sa sangay ehekutibo para sa pagsusulong ng transparency. Sa panahong inilabas ang executive order, sinabi ng Pangulo na magagamit lamang ito para sa mga opisyal sa Ehekutibong sangay at nanawagan sa Kongreso na magpatibay ng isang batas upang maging bukas sa publiko ang lahat ng mga SALN ng mga opisyal ng pamahalaan—kabilang ang mga nasa sangay lehislatura at hudikatura.
May dahilan ang pagbubukas ng SALN sa publiko ng mga opisyal, lalo na para sa mga naghahawak ng malaking halaga ng pampublikong pondo katulad ng mga miyembro ng Kongreso na silang nagdedesisyon ng taunang General Appropriations Law kung saan napupunta ang lahat ng kita at pera sa buwis ng pambansang pamahalaan. At para maiwasan ang anumang hakbang na mahaluan ang kanilang personal assets sa salapi ng gobyerno.
Gayunman, kasabay nito, kailangang protektahan ang mga opisyal mula sa mga kriminal na maaaring makakita sa kanilang malaking yaman bilang target na oportunidad.
Samakatuwid, kinakailangan ng tamang pagbabalanse sa pagitan ng inilalabas at itatagong impormasyon sa SALN ng sinuman, maging isang pampublikong opisyal man ito o pribadong mamamayan.
Sa kanyang pahayag nitong Lunes, sinabi ni presidential spokesman Panelo na maaaring lumalabag ang House Resolution 2467, na nag-uutos sa Kamara na ibigay ay pag-apruba nito sa plenaryo para sa paglalabas ng SALN ng sinumang mambabatas—o malapit sa paglabag sa Konstitusyon. Ang pag-uutos sa pag-apruba ng plenaryo sa Kamara para sa isang SALN ng mambabatas ay maaaring kalabisan.
Sumasalungat ito sa pangakong polisiya ni Pangulong Duterte sa pagiging bukas at transparency sa pamahalaan.