Siyam na miyembro ng dalawang pamilya ang nasawi sa sunog sa Pasay City ngayong Huwebes ng madaling araw.

Three were injured after Scaffoldings in the 7th floor of a buil

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang bangkay ng siyam na katao sa loob ng isang bahay sa Almador Street sa Barangay 183 sa Maricaban, Pasay.

Kinilala ang mga namatay na sina Mark Joseph Calma, 23 anyos; John Clark Calma, 17; Andrew James Calma, 11; at ama nilang si Michael Calma.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasa itaas umano ng bahay ang pamilya Calma nang sumiklab ang sunog. Nakaligtas naman ang ina ng pamilya Calma.

Patay din ang lahat ng miyembro ng pamilya na nakatira sa ibabang bahagi ng bahay na nakilalang sina Jhulea Janet Guablas, 16; Nichole Guablas, 9; Andrei James Guablas, 2; Julius Guablas; at Rheadela Guablas.

Sinasabing hindi agad nakalabas ng bahay ang mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP, nangyari ang sunog dakong 2:00 ng umaga.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog, na naapula dakong 2:14 ng umaga.

Sinabi ng BFP na bukod sa may kalumaan na ang natupok na bahay, na gawa sa kahoy kaya mabilis na kumalat ang apoy, himbing na natutulog ang mga biktima nang mangyari ang sunog.

Fer Taboy