NATUTUWA si Therese Malvar na masaya ang press people na may big project na siya sa GMA-7. Puro “finally” ang narinig niya sa mga nakausap na reporters sa presscon ng Afternoon Prime na Inagaw Na Bituin. Alam kasi ng press people na matagal ding naghintay si Therese na mabigyan ng break sa telebisyon at dumating na nga ‘yun.

“Ako yata sa cast ng Inagaw Na Bituin ang pinakamasaya sa airing ng Inagaw Na Bituin sa February 11 dahil finally, dumating na ang break ko. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ang lahat at ang best ko para hindi ma-disappoint ang GMA-7. Saka, kailangan kong mag-level up sa acting sa mga kasama ko na puro magagaling. Ang swerte ko nga na makasama sila at maging director si Mark Reyes,” panimula ni Therese.

Six years ang hinintay ni Therese bago mabigyan ng magandang role sa teleserye ng kanyang network. Naipakita ni Therese sa past shows niya na mahusay siya at kahit guest role o maliit ang role lang ay napapakinang niya.

Kontrabida ni Kyline Alcantara ang role ni Therese sa Inagaw Na Bituin at bilang si Ariela Lopez, siya ang spoiled brat na anak ni Angelika dela Cruz na magbibigay ng sama ng loob kay Anna Sevilla/Elsa dela Cruz (Kyline).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, bukod sa Inagaw Na Bituin, may gagawing movie sa Cinemalaya si Therese kasama ang isang sikat na aktres. Bawal pa lang pangalanan ang aktres, basta sobrang excited si Therese na makatrabaho ito.

-Nitz Miralles