MATAGUMPAY ang unang concert ng BLACKPINK, ang isa sa mga pinakasikat na K-pop girl group sa kasalukuyan, sa bansa dahil dinagsa sila ng kanilang libu-libong Pinoy fans.

BLACKPINK_

Naging malaking patunay ang jam-packed Mall of Asia Arena nitong Biyernes na nakapasikat ng BLACKPINK sa bansa, nang magtanghal ang mga ito sa harap ng libu-libo nilang fans sa kanilang 2019 World Tour: In Your Area in Manila.

Sinimulan ng BLACKPINK ang kanilang concert sa pagkanta at pagsayaw ng DDU-DU DDU-DU, ang pinakasikat nilang kanta mula nang mag-debut. Inilabas ito bilang carrier track ng kanilang Square Up noong June 15 at nakatanggap ang music video nito ng 36.2 million views, dahilan para ito ang itinanghal na most viewed K-pop music video sa unang 24 hours nang mga oras na iyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ako po si Jisoo,” “Ako po si Jennie,” Ako po si Rose” at “Ako po si Lisa,” panimulang bati ng grupo sa kanilang fans.

Dagdag pa ni Jennie, “We’re so excited to be here, to have fun tonight. We missed you guys.”

“I’m so excited to perform here in Manila,” sabi naman ni Rose at tanong ni Lisa, “Are my Filipino Blinks excited?” sigaw naman ni Jisoo sa madla, “Na-miss ko kayo.”

Nagkaroon din sila ng solo staged sa kanilang two-hour concert. Kinanta ni Jisoo ang Clarity ni Zedd habang sinayawan ni Lisa ang Take Me ni Miso at Swalla ni Jason Derulo. Kinanta ni Rose ang Let It Be ng Beatles, You & I ni Park Bom at Only Look at Me ni Taeyang, habang itinanghal naman ni Jennie ang sarili niyang single na Solo.

Ang iba pang mga kantang itinanghal ng BLACKPINK ay Kiss and Make Up (a song with Dua Lipa), So Hot ng Wonder Girls, Playing with Fire, Really, See U Later, 16 Shots, Boombayah, As If It’s Your Last habang tinapos nila ang concert at namaalam sa fans sa pagkanta ng Stay.

-JONATHAN HICAP