Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba umano ng focus crimes sa bansa sa unang buwan ng 2026.
Sa press conference ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez, Jr., inilahad niyang nasa 24.32% ang ibinaba ng focus crime na naitala noong nakaraang buwan ng Enero, kumpara sa datos noong Enero 2025.
Ayon pa sa kaniya, masa 2,449 lamang ang naitalang krimen sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Enero 31, 2026, mas baba ng 787 kaso, kumpara sa 3,236 noong Enero 2025.
"These figures tell us one thing, our communities are becoming safer. This is not an overnight result, but the product of the sustained police officers nationwide," ani Nartatez.
Ayon pa sa PNP, kabilang sa mga krimen na bumaba ang kaso ng rape kung saan mula sa bilang na 848 cases noong Enero 2025, ay bumaba ito ng 331 cases noong Enero 2026.
Ang focus crimes ay mga krimeng marahas at madugo na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Dagdag pa ni Nartatez, "When crime goes down, it indicates that what we are doing is having a positive impact."