Sumagot na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kumalat na balita na pumanaw na siya makaraang hindi siya dumalo sa isang mahalagang event sa Leyte nitong Biyernes dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte

Sa isang Facebook live video na ipinost ng kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña, pabirong hiniling ni Duterte, 73 anyos, sa mga naniwalang pumanaw na siya na ipagdasal ang kanyang kaluluwa.

“For those who believe in the news that I passed away, then I request of you, please pray for me, for the eternal repose of my soul. Thank you,” sinabi ni Duterte ngayong Linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag ni Duterte, sasabihin niya sa Diyos ang mga habilin sa kanya sakaling magkita sila sa Langit.

“My reaction to my passing away: I will ask God first if I... if He's available for interview. Kasi pupunta na ako doon. Ano mga mensahe ninyo? Dadalhin ko,” aniya.

“Pari, obispo, lahat. And ‘yung wish ng mga durugista, ilista ninyo. Ako na ang magdala doon sa langit o sa impiyerno. Depende lang,” sabi pa ni Duterte.

Nauna rito, kaagad na pinabulaanan ng kampo ng Presidente na namatay na siya dahil sa sakit makaraang hindi siya makadalo sa isang mahalagang event sa Leyte nitong Biyernes.

Argyll Cyrus B. Geducos