Hawak na ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang apat na suspek sa pananambang kay Bagong Silangan Chairwoman Crisselle "Beng" Beltran at driver niyang si Melchor Salita.
Sa ulat ni QCPD director, Police Chief Supt. Joselito T. Esquivel, Jr. kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Teofilo Formanes, 48; magkapatid na sina Ruel Juab, 38, at Orlando Juab, 32; at Joppy Juab, 28.
Hindi nakapalag ang mga suspek sa follow-up unit ng Special Investigation Task Group (SITG) "Beltran", sa pamumuno ni Police Supt. Elmer Monsalve ng CIDU, sa likod ng Commonwealth Market, bandang 9:30 ng umaga nitong Sabado.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga baril at bala, granada, 3 handheld radyo, .9MM caliber pistol, itim na motorsiklo, 2 baseball caps, at cell phone.
Nakakulong ang mga suspek sa CIDU at kinasuhan ng double murder.
Magugunitang si Beltran ay tinambangan ng riding-in-tandem at nabaril din si Salita habang sakay sa Ford Everest (NDO 612) sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City nitong Enero 30, sa ganap na 11:33 ng umaga.
Jun Fabon