Bago pa simulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa Linggo, inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na aarestuhin ang sinumang tao o establisimyento na mahuhuli sa aktor o mapatutunayang nagtatapon ng basura sa lawa.

Manila Bay (MB, file)

Manila Bay (MB, file)

Sinabin ni Eleazar na inilalatag na nila ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng mga umiiral nang ordinansa laban sa pagtatapon ng basura sa Manila Bay, kabilang na ang pag-aresto sa mga maaaktuhang dinudumihan ang lawa.

“Huhulihin natin 'yun. Nandiyan na ang mga batas, we only have to implement that,” sinabi ni Eleazar nang bumisita siya sa Quezon City Police District (QCPD) kamakailan.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Disyembre 2008 nang ipag-utos ng Korte Suprema sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang Philippine National Police-Maritime Group, na linisin at pangalagaan ang Manila Bay.

“Basically, to implement the guidelines and existing laws, cops needed to be there. But more than that, we will also help [sa rehabilitasyon] to encourage the people to improve the environment situation in Manila Bay,” sabi ni Eleazar.

Alexandria Dennise San Juan