Sa kuhang video ng isa sa mga photographer ng BALITA, mapapanood ang pag-iyak at pagwawala ng isang batang lalaki habang karga ng kanyang ama makaraan silang pagbawalang pumasok sa Manila Zoo, na pansamantalang isinara simula kahapon.

PASOK TAYO, PAPA!  Nagwala at umiyak ang bata, habang karga ng kanyang ama, nang hindi sila papasukin sa Manila Zoo, kahapon.  (ALI VICOY)

PASOK TAYO, PAPA!
Nagwala at umiyak ang bata, habang karga ng kanyang ama, nang hindi sila papasukin sa Manila Zoo, kahapon.
(ALI VICOY)

Maririnig ang bata na sumisigaw ng, “Papasok! Papasok!”

Gayunman, sumagot ang staff ng zoo na sila ay sarado.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nagpaskil din ang zoo management sa kentrance gate, na nagsasabi sa publiko na pansamantalang sarado ang pasyalan simula kahapon, Enero 23, 2019, sa utos ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Ngunit hindi nakalagay sa memorandum ni Estrada kung kailan muling bubuksan sa publiko ang naturang zoo.

Sa ngayon, kumpirmadong isasailalim ito sa rehabilitasyon para sa pagsisimula ng paglilinis sa Manila Bay sa Linggo, Enero 27.

“The Department of Environment and Natural Resources (DENR) tagged Manila Zoo as a major pollutant of Manila Bay,” pahayag ni Estrada.

“According to Sec. Roy Cimatu, the zoo had been draining untreated sewage into one of the estuaries leading to the bay.”

Ipinag-utos ng alkalde sa Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Department of Public Services (DPS) ng lungsod na magsumite ng program of work para sa pagkakabit ng sewage treatment plants (STPs) hindi lang sa Manila Zoo kundi maging sa iba pang pasilidad na nasasakupan ng siyudad.

Magtatagal ang konstruksiyon ng tatlo hanggang apat na buwan, ayon kay Atty. Jasyrr Garcia, OIC ng Public Recreations Bureau ng lungsod.

Siniguro naman ni Garcia na hindi maaapektuhan ang hanapbuhay ng mga empleyado sa pagsasara ng zoo.

-Ria Fernandez