Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Phoenix vs Dyip

7:00 n.g. -- NLEX vs. TNT

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

IKATLONG sunod na panalo para sa target nilang solong liderato ang tatangkain ng Phoenix Pulse sa pagpapatuloy ngayon ng 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang kasalo ng Northport sa pamumuno, target ng Fuel Masters na makopo ang ikatlong dikit na panalo para sa best start ng kanilang prangkisa sa pagtutuos nila ng Columbian Dyip sa unang laro ngayong 4:30 ng hapon.

Galing naman sa isang upset win kontra defending champion San Miguel Beer sa una nilang laban, hangad ng Dyip na masundan para maipagpatuloy ang magandang panimula ngayong season.

Sa tampok na laro, mag-uunahan namang makapasok sa win column ang magkatunggaling NLEX at TNT sa kanilang pagtutuos ganap na 7:00 ng gabi.

Marivic Awitan