Standings W L

DLSU* 5 0

IPPC 3 2

ADMU 3 2

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

AdU 3 3

NU 2 3

UST 1 4

UP 1 4

* - clinch semis spot

Mga Laro sa Sabado

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

7:00 n.u. -- IPPC vs UP

10:00 n.u. -- DLSU vs ADMU

1:00 n.h. -- NU vs UST

KINUMPLETO ng De La Salle University ang back-to-back win nitong weekend matapos padapain ang University of the Philippines, 18-8, sa loob lamang ng pitong innings sa Philippine Baseball League sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Green Batters na naunang nanaig kontra IPPC, 11-8, nitong Sabado upang makumpleto ang elimination round sweep.

Bukod doon, nakamit rin ng La Salle ang top seed sa semifinals.

Ikinatuwa naman ito ni coach Joseph Orillana, sa kabila ng pagtatamo ni reigning UAAP Athlete of the Year Kiko Gesmundo ng shoulder injury.

“Masaya ako para sa team. Sabi ko sa kanila, kahit wala si Kiko, kailangan nila mag-step up. Hindi naman puwede na aasa lang kami sa seniors. Kanila na ito e,” pahayag ni Orillana matapos na magresulta ang ginawang first inning dive ni Gesmundo ng shoulder sprain.

Nanguna para sa nasabing panalo ng La Salle si Tuwi Park na nagposte ng 3-of-4 at-bat at limang RBIs kasunod si Anton Acuna na may 3 RBIs.

Nauna rito, nakabangon ang Ateneo mula sa dalawang sunod na talo makaraang pataubin ang University of Santo Tomas Golden Sox, 13-12.

Samantala, sa tampok na laro ng triple-header, iginupo ng Adamson Soaring Falcons ang National University Bulldogs sa loob ng pitong innings, 19-3 upang patuloy na buhayin ang tsansa nilang umabot sa semifinals.

-Marivic Awitan