Inanunsiyo ng ONE Championship (ONE) ang partnership nila sa Grab, ang nangungunang O2O mobile platform sa Southeast Asia upang ipagdiwang ang Everyday Champions ng mga driver-partners ng Grab.

ONExGrab

Ang partnership ay gagawin sa Indonesia at ditto sa Pilipinas. Nakahanap ng pagkakapareho ang Grab at ONE Championship upang ipagdiwang ang mga champion sa labas ng ring at bigyan ng reward ang mga Grab driver-partners na Everyday Champions sa kalsada.

Ang long-term partnership ng ONE Championship ay extension ng Grab Better 365 commitment upang makagawa ng pagbabago sa mga buhay ng mga driver-partners maliban sa trabaho nila. Ang Grab champion driver-partners ay makakatanggap ng mga benepisyo tulad ng:

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Champion Driver-Partners in the spotlight: Bilang rekognisyon sa kanilang pagsusumikap sa trabaho, kikilalanin ng Grab at kokoronahan ang Everyday Champions mula sa kanilang mga driver-partners na may planong ibahagi sa iba ang kanilang mga kuwento.

Exclusive access to Grab Champions Arena: Ang mga Grab champion driver-partners ay makakapunta sa mga laban ng ONE Championship bilang VVIP na mayroong backstage pass, pagkakataong maka-facetime ang mga ONE athletes at exclusive rights sa Super Fan area.

Kudos from passengers Ang mga Grab driver-partners ay laging andiyan sa lahat ng okasyon para maihatid ng maayos at ligtas ang kanilang mga pasahero.

Champions rallying for a good cause: Ang Grab at ang kanilang drive-partners sa Indonesia at dito sa Pilipinas, kasama ang mga ONE athletes, ay titipunin ang mga consumers upang makapagipon ng pera para sa regeneration project sa kanilang komunidad.

“ONE Championship has chosen to partner with Grab, the everyday super app of Southeast Asia. It is important for our organization to continue to forge long-term strategic partnerships with brands that understand our vision. We believe in what Grab is doing for their driver and passenger community, making high-quality transport easier and more accessible to all,” sabi ni Hari Vijayarajan, Chief Commercial Officer, ASEAN ng ONE Championship.

“Our partnership with ONE Championship is special because it celebrates the winning spirits of our fighters on the roads – our everyday Grab driver-partners. As we move towards becoming the everyday super app for Filipinos, we acknowledge the hard work our driver-partners have put in helping serve the daily transportation needs of Filipinos and winning their hearts and minds through their quality service,” sabi ni Brian Cu, President ng Grab Philippines.

Sa partnership na ito, matutulungan ng Grab ang ONE Championship sa kanilang global platform at mabigyang parangal ang mga Everyday Champion sa mga series ng campaigns at activations na dinisenyo para makadagdag sa halaga ng Grab driver-partners at kanilang mga pasahero.

Dagdag pa dito, ang ONE Champion ay makikipagtulungan sa Grab para sa mas malawak na scale rewards at recognition program para sa mga Grab driver-partners at mas makapagtrabaho ng maayos sa kanilang komunidad.