SA pa-meet the press lunch with Senador Bong Revilla, Jr. hosted by Manay Marichu Maceda and Mother Lily Monteverde ay natanong ni Yours Truly ang dating senador kung itinuring ba niyang isang ibon ang kanyang sarili habang nakakulong noon sa PNP Custodial Center.

bong revilla

Nai-imagine with matching background music na may lyrics that goes: “Ibon man may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak…” there was a time ba na naiiyak siya sa kanyang kulungan noon?

“Simula nu’ng makulong tayo, gusto natin lumabas, lalo na ang katotohanan. Kumbaga, malinis ‘yung aking pangalan, malinis ang pangalan ng aking pamilya. ‘Yun na lang ang hangad ko sa buhay ko, eh.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Dahil kung iisipin mo, ‘yung time na ginigiba ako, halos isang taon ‘yun, tuluy-tuloy, non-stop. Ang tingin sa ‘yo lahat ng tao parang ‘magnanakaw ‘yan, masamang tao ‘yan, ganito ‘yan, ganyan’.

“At that time gusto ko nang maglaho, eh. Gusto ko nang mawala sa mundo, dahil ‘yung kahihiyang inabot ko. Mapakasakit nito. Natanong ko nga ang sarili ko, bakit ganito? I don’t deserve this, ‘di ba?”

There was a time ba naiyak talaga si Bong?“Oh, yes. Sabi ko nga, baka drum na ng luha ang lumabas sa mata ko. Hindi exaggerated ‘yan, totoo ‘yan,” sabi niya.

So sa paggawa niya uli ng pelikula, hindi na pang-action kundi dramatic na ang next movie niya?Natawa si Bong. “Gusto ko comedy naman. Sabi nga ng kapatid kong si Andeng (Bautista-Ynares) dapat ang katambal ko si Vice Ganda. Ha, ha, ha!”

O, sige. Para maiba nga naman, dahil puro drama na ang sinapit niya for almost four and a half years sa totoong buhay niya, mas okay nga sigurong mag-comedy naman siya.

Anyway, welcome back, ex-Senator Bong Revilla, Jr.!

-MERCY LEJARDE