KABUUANG 500 kabataan mula sa Bangued, Abra ang kasalukuyang lumalahok sa pagsasagawa ng Philippine Sports Commission sa unang edisyon ng Children’s Games “Sports for Peace”.

Ramirez

Ramirez

“We are starting 2019 with the same purpose, but with a greater motivation to expand the reach of the PSC by conducting the Children’s Games all over the country,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.

Ang nasabing proyekto ay isa sa sentro ng grassroots program ng pamahalaan. Nagsimula ang programa sa apat na araw na pagsasagawa ng pagsasanay sa mga volunteers na tinawag na Ate/Kuya Workshop bago ang mga laro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Philippine Sports Institute Deputy Director for Grassroots na si Marlon Malbog, may kasunduan ang PSC sa pamahalaang panlalawigan ng Abra para sa kaganapan ng programa.

"The PSC has a standing agreement with Abra provincial Governor Jocelyn Bernos to conduct an edition of the games in their province," ani Malbog.

Mga kabataang Muslim, Kristyano at pati na rin ang miyembro ng Indigenous communities ang siyang maglalaro sa individual sports na gaya ng basketball, volleyball, football, badminton at table tennis, pati na rin ang Larong Pinoy.

Umabot sa kabuuang 10,746 kabataan buhat sa 22 munisipalidad at siyudad ang nakilahok sa Children's Games ng PSC mula sa nakalipas na taon.

-Annie Abad