TULOY ang suporta ng mga tagahanga ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kahit sa New York, nang mag-back-to-back debut siya sa dalawang sikat na morning program sa Amerika nitong Lunes.

catriona8

Sinimulan ni Catriona ang kanyang Miss Universe appearance sa Good Morning America. Na sinundan ng isa pang morning show na Live With Kelly and Ryan para sa unang live show ng programa ngayong 2019. Kapwa nasa ABC Studios lamang ang dalawang programa sa Upper West Side. Sa buong araw, nakakumpleto ng anim na interviews ang Miss Universe.

Sa Good Morning, ibinahagi ng Filipino-Australian beauty queen ang kanyang adbokasiya na edukasyon para sa mga bata at ang kanyang hilig sa musika. Nakipagkuwentuhan naman si Cat sa mga host na sina Kelly Ripa at Ryan Seacrest sa programang Live.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Suot ang isang yellow dress, binati ng dalawang host si Catriona na nagdiwang nitong Linggo ng kanyang ika-25 kaarawan, gayundin para sa pagkapanalo niya sa pageant.

Nang matanong kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang birthday sa New York, sinabi ni Cat: "I thought I'm gonna have a celebration the whole week! I saw Broadway, I had a bit of a food trip, I went to Hillsong. It was amazing!''

Kasunod nito ibinahagi naman ng Miss Universe ang kanyang family roots. "My mom is a Filipino (Normita Magnayon) and my dad (Ian Gray) is a Scottish immigrant to Australia. I was born and raised in Australia then I moved to the Philippines as a teenager."

Dahil kasalukuyang winter season sa New York, inusisa ng dalawang host kung paano nag-aadjust ang beauty queen.

"I have a coat and I have been going out at least a minimal of three layers. So I'm looking like a bit of a siopao and when I go out, I am really-fluffy looking. But as long as I am warm, I'm good," paliwanag ni Catriona.

Ibinahagi din Cat kung gaano niya kagusto ang weather ng New York. "I love it! I grew up in a one-climate kind of setting in the Philippines and where I grew up in Australia. So it's summer and wet season."

Malakas naman na palakpalakan mula sa kanyang mga tagahanga, na mga Pinoy, ang nangibabaw nang mabanggit ni Cat ang tungkol sa Mayon Volcano bilang inspirasyon para sa kanyang trending na red evening gown na likha ni Mak Tumang para sa 2018 Miss Universe finals sa Bangkok, Thailand nitong Disyembre 17.

“Filipino fans are the best fans in the world, and this whole journey has been amazing,” papuri ni Cat.

Tinalakay din ng Miss Universe ang kanyang kaugnayan sa Young Focus, na nagsusulong ng edukasyon ng mga bata sa Tondo, Maynila.

“I really believe that education is transformative. It’s something that you can give to a child or to a person that can never be taken away from them, which is why I’m so passionate about it,” paliwanag niya.

Pagpapatuloy ni Cat: “These kids, without NGOs like that, might not ever experience going to school, experience developing a love for learning, which, at the end of the day, is really what can pull out a family out of poverty."

Robert R. Requintina