Magpapatupad ng road closures at traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa panahon ng mga aktibidad para sa pista ng Quiapo sa Miyerkules, Enero 9, na inaasahang dadagsain ng milyun-milyong deboto ng Mahal na Poong Nazareno.

LIGTAS NA TRASLACION Ininspeksiyon ngayong Sabado ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang binisidad ng Quirino Grandstand at iba pang rutang daraanan ng prusisyon ng Poong Nazareno sa Miyerkules. JANSEN ROMERO

LIGTAS NA TRASLACION Ininspeksiyon ngayong Sabado ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang binisidad ng Quirino Grandstand at iba pang rutang daraanan ng prusisyon ng Poong Nazareno sa Miyerkules. JANSEN ROMERO

Ayon sa MDTEU, simula sa Lunes, Enero 7, ay isasara na ang ilang kalsada sa siyudad kaugnay ng pagbabasbas at prusisyon para sa mga replica ng Nazareno.

Nabatid na simula 11:00 ng umaga ay sarado na ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda, at ang westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil dito, ang mga sasakyan mula sa España na magtutungo sa Roxas Blvd./South Pier Zone/Taft Avenue ay pinakakanan sa P. Campa, diretso sa Fugoso Street. Ang mga nais namang dumaan sa Quezon Boulevard, mula sa A. Mendoza, ay pinakakanan sa Fugoso at kaliwa sa Rizal Avenue.

Sa Martes, Enero 8, sisimulan ang vigil o “Pahalik” sa imahen ng Nazareno, at ganap na 5:00 ng umaga ay isasarado na ang Katigbak Drive, South Drive, at Independence Road.

Ang mga sasakyan mula sa Bonifacio Drive at P. Burgos na dadaan sa Independence Road ay pinadidiretso sa Roxas Boulevard, habang ang mga mula sa Roxas Blvd. at TM Kalaw na dadaan sa Independence ay dapat na dumiretso sa Roxas Blvd., samantalang ang mga patungo ng Manila Hotel at H2O Hotel ay may one lane-access sa Katigbak.

Bilang paghahanda naman sa Traslacion, simula 10:00 ng gabi ng Martes ay sarado na ang Katigbak Drive at South Drive, ngunit may isang one lane-access patungong Manila Hotel at H2O Hotel; northbound lane ng Quezon at McArthur Bridge mula sa Bonifacio Shrine, at Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang Bonifacio Shrine.

Para sa mismong Traslacion sa Miyerkules, ganap na 12:00 ng umaga ay sarado na ang Mc Arthur, Jones at Quezon Bridges; ang Roxas Blvd. mula sa Katigbak hanggang TM Kalaw; ang magkabilang lane ng Quezon Blvd. (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso at España Ave. / P. Campa para sa southbound; at ang mula Taft Avenue/Ayala Blvd. para sa northbound.

Mary Ann Santiago