NEW YORK — Pinatawan ng kabuuang $25,000 na multa si Andre Iguodala ng Golden State Warriors matapos nitong ihagis ang bola sa gilid sa pagtatapos ng first half sa kanilang naging labanan kontra Portland kamakailan.

Igoudala

Igoudala

Ipinataw ang nasabing parusa noong Martes ng umaga buhat sa discipline executive ng NBA na si Kiki VanDeWeghe.

Bago natapos ang first half ng labanan ng Warriors at Portland noong Linggo ng umaga, naihagis ni Igoudala ang bola, dala ng pagkadismaya sa tawag ng referee, kung saan agad siyang tinawagan ng technical foul.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit kahit na halftime break na ay pinili ng mga game officials na balikan ang tape ng nasabing insidente upang malaman kung ano ang mas tamang parusa ang ipataw sa power forward ng Warriors na si Igoudala.

Nagwagi ang Warriors sa nasabing laro, kontra Trail Blazers, 115-105.