BALIK Gilas Pilipinas si American naturalized player Andray Blatche.

Blatche

Personal na ipinahayag ng 6-foot-9 at dating NBA player ang kanyang pagbabalik sa National Team upang suportahan ang koponan sa sicth window ng FIBA World Qualifiers sa Pebrero.

Nalugmok ang Gilas Pilipinas sa nakalipas na dalawang home game laban sa Kazakhstan at Iranian team.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s confirmed! I will be back to play for the Philippines in February! Can’t wait to win these two games for the best fans in the world,” pahayag ni Blatche kanyang Theia Sports FB Page.

Kung sakali, ito ang unang sabak ng dating Washington Wizard star sa National Team mula nang masuspinde ng tatlong laro ng FIBA bunsod nang pagkakasangkot sa rambulan kontra Australia Boomers noong Hulyo sa Manila.

Sasabak ang Gilas laban sa Qatar at Kazakhstan sa February 21-24. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sina Blatche at National coach Yeng Guiao.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nagkasundo ang pamunuan at si Blatche para sa isa pang pagkakataon na pamunuan ang Gilas.

Wala pang pormal na pahayag ang magkabilang kampo kung kailan darating sa bansa ang 32-anyos na si Blatche.

-ERNEST HERNANDEZ