Dalawang beses nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay, kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang phreatic eruption bandang 8:17 at 8:28 ng umaga.

Ang phreatic eruption ay dulot ng init at paglawak ng ground water.

Sinabi ng Phivolcs na ito ay nagdulot ng grayish to grayish white ash plume na may taas na 600 metro at 200 metro mula sa tuktok ng bulkan, ayon sa pagkakasunod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una rito, naitala ng seismic monitoring network ng Mayon ang isang volcanic earthquake sa kasagsagan ng 24-hour observation period.

Naobserbahan din ang fair crater glow mula sa summit noong gabing iyon.

Nasukat ang sulfur dioxide (SO2) emission sa average na 1,943 tonnes/ day nitong Nobyembre 25, habang ang eksaktong leveling data na naitala noong Oktubre 22-31 ay nagpapakita ng pagtaas ng edifice sa southeast sector habang ang north sector ay nagpapakita ng short-term deflation, gaya noong Agosto 30 hanggang Setyembre 3.

Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Mayon, na nangangahulugan na “a moderate level of unrest.” Isinailalim ang bulkan sa Alert Level 2 simula noong Marso 2018.

-Ellalyn De Vera-Ruiz