NAGING makulay ang 2018 para sa Philippine Sports Commission (PSC) partikular na kay Chairman William “Butch” Ramirez.

NAKATUON ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa grassroots sports development tulad ng Children’s Games, Indigenous Peoples Games at pagpapatibay sa institusyon para maabatan ang pangaabuso nang ilang national sports associations sa pondo ng bayan. (PSC PHOTOS)

NAKATUON ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa grassroots sports development tulad ng Children’s Games, Indigenous Peoples Games at pagpapatibay sa institusyon para maabatan ang pangaabuso nang ilang national sports associations sa pondo ng bayan. (PSC PHOTOS)

Matagumpay ang lahat ng proyekto na isinulong ng ahensiya para sa ikauunlad ng Philippine sports partikular na ang grassroots program na naglalayong makahubog ng bagong talento na maaring maging bagong bayani ng sports.

Kabilang sa mga grassroots program na sinimulan ng PSC ngayong taon ay ang PSC-Pacquiao Cup, Indigenous Peoples Games, at kamakailan lamang ng nakipag-sanib puwersa ang nasabing ahensiya sa Department of Education (DepEd) upang palawigin pa ang nasabing proyekto sa mga susunod na taon.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“This is a milestone development, for we believe without DepEd, there will be no grassroots sports program,” ayon kay Ramirez sa mga naunang panayam.

Dumoble ang kumpiyansa ng PSC na magkakaroon ng mas marami pang potensyal na batang atleta na maaring maging isang Hidilyn Diaz, Onyok Velasco, Nikko Huelgas at iba pa.

Likas na mabait at matulungin si chairman Ramirez, ngunit bilang isang lider minsan ay kinailangan din niyang manindigan sa kanyang posisyon at gumamit ng kamay na bakal upang turuan ng leksiyon ang ilang National Sports Associations (NSA).

Bunsod ng mandato ng Pangulong Rodrigo Duterte, kinailangan ni Ramirez na maghigpit pagdating sa pagpapalabas ng pondo para sa mga NSAs, partikular na ang mga mga unliquidated accounts sa PSC at ang mga may isyung pang liderato.

Nagpalabas ng “No liquidation, No Financial assistance” na kautusan ang PSC para sa mga NSAs na sangkot dito.

Gayunman, hindi pa rin agad na ipinatupad ng PSC ang nasabing kautusan, gayung binigyan pa ni chairman Ramirez ng pagkakataon ang mga ito na makapag bayad ng utang sa nasabing ahensiya.

Pagdating sa isyu ng liderato sa mga NSAs, binuksan ni Ramirez ang kanyang tanggapan upang imbitahan ang mga sports associations na may mga suliranin sa liderato upang dinggin ang mga hinaing.

Bagama’t nilinaw ni Ramirez na hindi sila manghihimasok sa anumang suliranin ng mga nasabing NSAs ang kanyang tanggapan, bagkus didinggin lamang niya ito para mairekomenda sa Philippine Olympic Committee (POC) upang ang nasabing tanggapn naman ang siyang gumawa ng paraan upang maayos ang gusot.

“We are not here to intervene. We are just here to listen and the only help we can do is to submit all the details and documents to the POC and let them solve the problems,” paglilinaw ng PSC chief.

Ngunit kahit na nagbigay ng pahayag si Ramirez ng hindi pagbibigay ng pondo sa mga NSAs na may disputes, malambot pa rin ang puso niya at nilinaw na ang asosasyon lamang ang hindi poponduhan, ngunit tuloy ang suporta sa mga atleta lalo pa sa nalalapit na pagsasagawa ng Southeast Asian games (SEA Games) sa bansa ngayong darating na taon.

“Hindi naman pwedeng pabayaan ang mga atleta. We will stop funding to the NSAs na may disputes, but we will continue supporting our athletes,” ayon kay Ramirez.

May nalalabi pang tatlong taon si Ramirez at ang kanyang mga commissioners na sina Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin sa tanggapn ng PSC, ngunit ayon sa kanya, susulitin nila ang tatlong taon na natitira upang suportahan ang mga atleta at sisikapin na mas lalo pang mapaganda ang sports program ng bansa.

“In the next three years, asahan ninyo po na mas magtatrabaho pa kami ng maayos. Sa tulong ng ating Pangulong Duterte at sa tulong din ng mga kaibigan po natin sa media, asahan ninyo po na isang maayos na PSC ang iiwan namin sa aming subsequent,” ayon pa kay Ramirez.

-ANNIE ABAD