NASA ‘Pinas pa ang boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart at mukhang dito na siya magpa-Pasko. Isinasama ni KC ang BF sa mga invitation sa kanya, gaya ng Christmas dinner, para mas ma-feel ng French ang Kapaskuhan sa Pilipinas.

KC and Pierre copy

Dumating si Pierre sa bansa para dumalo sa debut ng sister ni KC na si Frankie Pangilinan nitong December 15, at hanggang ngayon ay hindi pa siya umaalis ng Pilipinas. Ang saya siguro ni KC kung hanggang New Year ay nasa Pilipinas si Pierre para Pasko at Bagong Taon ay magkasama sila.

Samantala, puro positive comments ang nabasa namin sa post ni KC tungkol sa Christmas Tree na ibinigay sa kanya ni Pierre six years ago.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I kept the Christmas tree @pepplassart gave me 6 years ago... Today we’ve unboxed it & are setting it up together in time for Christmas this year. Never take anything for granted,” sabi ni KC.

Marami ang kinilig nang malamang binigyan ng Christmas Tree ni Pierre si KC, kaso may nagpaalala kay KC na binigyan din siya ng Christmas Tree ng ex niyang si Paulo Avelino. Ang kaibahan, real tree ang ibinigay ni Paulo kay KC, at panigurong wala na ‘yun ngayon.

May nagpaalala sa netizen na huwag nang ibalik ang nakaraan, lalo na at parehong masaya na sa kani-kanilang personal na buhay sina KC at Paulo ngayon.

-NITZ MIRALLES