Natakot ang mga residente ng Sablayan sa Occidental Mindoro nang tapunan ng tatlong bangkay, na pawang pinaniniwalaang biktima ng summary execution, ang isa sa mga barangay nito.
Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA (Mindoro Oriental and Occidental, Marinduque, Romblon and Palawan) regional police, ang mga bangkay ay pawang lalaki at piniringan.
Natagpuan ang mga bangkay malapit sa isang tulay sa Barangay Burgos nitong Sabado, bandang 9:00 ng umaga.
“Their hands and feet were also tied. The suspects used packing tape, shirts and garbage bag to restrain them. All of them had wounds on the head,” pahayag ni Tolentino.
Lumalabas na ang mga biktima ay binaril nang malapitan.
Sinabi ni Tolentino na patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima, idinagdag na ang pagtukoy sa mga biktima ang susi sa upang malaman ang motibo sa pagpatay.
-Aaron Recuenco