Nakalabas na sa pagamutan ang isa sa dalawang Pilipinong nasugatan sa pagkakasangkot sa aksidente ng isang school bus sa Hong Kong, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ulat na natanggap ng DFA mula sa Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa dalawang sugatang Pinoy matapos na maaksidente ang isang school bus sa North Point, Hong Kong, nitong Lunes ng hapon.

Ipinabatid ni Consul General Antonio A. Morales sa DFA na na-discharge na sa ospital nitong Miyerkules ang isang Pinoy, habang nagpapagaling pa sa pagamutan ang isa pang kababayan nito.

Ayon kay Morales, kapwa inaayudahan ng Konsulado ang mga biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpaabot naman ang DFA ng opisyal na pakikiramay sa mga pamilya ng apat na nasawi sa aksidente, na inaalam pa ang sanhi.

-Bella Gamotea