SI Jaydee Lucero, isang Eat Bulaga! scholar na nakapagtapos bilang magna cum laude mula sa University of the Philippines – Diliman, ang nakasungkit ng pinakamataas na passing rate ng 97.20 percent sa lahat ng 13,887 examinees ng November 2018 Civil Engineering licensure examination.

Jaydee copy

Sinabi ng 22 taong gulang na nag-aral siya sa loob ng anim na buwan ngunit hindi niya inaasahan na masusungkit niya ang top spot.

Kuwento ni Jaydee, ang ina niya ang matiyagang nag-abang sa resulta na ipinost sa website ng Professional Regulation Commission’s (PRC).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“She was checking the PRC website relentlessly until they posted it online,” pagbabalik-tanaw niya. “She was the one who relayed the good news to me and the happiest for my success.”

Bunso sa dalawang magkapatid, si Jaydee ay product ng scholarship program ng Eat Bulaga! na tinatawan na “Eat Bulaga! Excellent Student Awards” o EBest.

Inilunsad noong 2009, ang EBest Awards ay itinaguyod upang magbigay ng scholarship sa mga natatanging elementary, high school at college students sa buong bansa, na walang kakayahan ang pamilya para sumuportahan ang mga ito sa pag-aaral.

Binigyan ng longest-running noontime variety show si Jaydee ng high school at college scholarship grants, monthly allowances, at annual cash assistance para sa iba pa niyang pangngailangan sa pag-aaral.

Isa sa mga pagsubok na hinarap ni Jaydee habang nag-aaral ay ang pagpanaw ng kanyang ama, dalawang taon na ang nakalipas dahil sa sakit na liver cancer. Aniya, niyanig ng insidente ang kanilang pamilya at halos mawalan siya ng gana sa pag-aaral.

Ngunit ang nagtulak sa kanya para magpursige at mas pag-igihan pa ang pag-aaral ay ang pangako niya sa kanyang ama na tatapusin ang pag-aaral, makakuha ng degree, at tumulong para umunlad ang kanyang pamilya.

“All my successes now, I dedicate them to my father. I want to continue all his dreams.”

Sa ngayon, maraming natatangap na offer si Jaydee mula sa iba’t ibang design at construction firms sa bansa. Ngunit bukod sa pagtatrabaho, nais din niyang magbahagi ng oportunidad at tulong gaya ng ginawa ng Eat Bulaga! sa kanya.

“My dream is to be able to return the favor to other aspiring engineers. My ultimate goal is to be able to join the academe and to teach college engineering students and pass on my knowledge. I want to continue that ripple of change ‘Eat Bulaga!’ started.

“To students, just continue to persevere in reaching your dreams. And if there are challenges ahead, keep a positive mind and never lose sight of your goals and inspirations in life. Have courage and confidence, and most importantly always seek guidance from the Lord.”

-Manila Bulletin Entertainment