INENDORSO ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, pinuno ng Senate Committees on Local Government and Ways and Means, nitong nakaraang linggo ang pag-aapruba ng plenaryo para sa isang panukalang-batas na lilikha ng 100 posisyon para sa “judges-at-large” sa mga Regional Trial Court at 50 posisyon para sa mga municipal trial court.
Una nang ipinasa ng Kamara de Representantes ang sarili nitong bersiyon ng panukalangbatas, na layuning masolusyunan ang problema sa tambak na mga kaso sa korte sa maraming bahagi ng bansa. Ang judges-at-large ay maaaring mapatunayan ng Korte Suprema o ng anumang mababang korte sa bansa, na karamihan ay nagdurusa mula sa tambak na mga kaso.
Kasama ng pagbanggit sa isang pag-aaral ng National Statistic Coordination Board, inihayag ni Sen. Angara sa kanyang talumpati ang tungkol sa panukalang-batas, na mayroon annual average na 1,059,484 na kaso mga mababang korte sa bansa. Dapat sana itong hindi hawak ng 37,230 korte ngunit nasa 12,076—ang hindi napupunan.
Napatunayan na ang pagtatalaga ng mga regular na hukom sa ilang bakanteng korte ay hindi nakatutulong dahil nahahati ang atensiyon ng mga hukom sa pagitan ng kanilang sariling salas at sa bakante, ani Angara.
Isang direktang resulta sa kakulangan ng hukom para sa pagdedesisyon sa mga kaso ay ang matinding siksikan sa mga piitan ng bansa—isang sitwasyong alam ngayon ng buong mundo dahil sa mga larawang balita na nagpapakita ng mga presong natutulog sa mga hagdan dulot ng kawalan ng espasyo.
Ang mga pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology ay may kapasidad na lamang na 20,653 katao, ngunit sa ngayon umaabot ng 146,302 bilanggo ang hawak nito base sa tala noong Disyembre, 2017. Mahigit 60 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mga kulungan sa bansa ay mga bilanggong naghihintay ng paglilitis, ayon sa BJMP.
Sa isang panayam kamakailan, nabanggit ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang pangangailangan ng mas maraming police detention facilities para matugunan ang lumalaking bilang ng mga bilanggo, lalo na sa pagpapatupad ng administrasyon ng agresibong kampanya laban sa ilegal na droga. Malinaw na kailangan ng mas maraming kulungan, aniya.
Nanawagan siya sa tulong ng mga lokal na mayor, kasabay ng pagbanggit sa pamahalaang lokal ng Muntinlupa na tumutulong sa pagpapatayo ng mas malaking istasyon ng pulis upang mapaganda ang mga pasilidad. Ang siksikang kulungan ay isa lamang sa mga problema ng sistema ng hustisya sa bansa.
Ang pagtatalaga ng mas maraming hukom, kabilang ang “judge-at-large” na iminungkahi sa Senado at nakapasa na sa Kamara, ay malaking tulong upang matugunan ang pangkalahatang suliranin sa mabagal na pagkamit ng hustisya sa ating bansa. Isa lamang ito sa maraming hakbang na kailangan gawin.
Inisa-isa ni Senador Angara ang ilan sa mga kailangang hakbang—ang patuloy na pagsasanay at pagpapatibay ng kapasidad ng mga opisyal at empleyado sa mga korte, ang higit na paggamit sa teknolohiya bilang solusyon kung saan ito angkop, reporma sa pagpoproseso ng mga kaso, at dagdag na pondo.
Makaraang maaprubahan na ang panukalang-batas para sa pagtatalaga ng 150 “judge-atlarge,” umaasa tayong bibigyan din ng atensiyon ng Kongreso ang iba pang mga hakbang na ito upang mapabilis at maisaayos ang ating mga korte at mapataas ang kumpiyansa at tiwala ng mga mamamayan sa sistema ng hustisya sa Pilipinas.