LABIS ang pasasalamat sa Diyos ng Star For All Seasons na si Congresswoman Vilma Santos dahil nakaligtas ang kanyang mister mula sa nag-crash landing na helicopter last week.

Cong. Vilma copy

Ayon sa report, may event sa Tarlac na dadaluhan ang ilang government officials, kabilang na si Senator Ralph Recto.

Dalawang chopper ang inihanda, at sa una sana sasakay ang senador, pero nagbago ang isip niya at sumakay siya sa ikalawang helicopter.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa huli, napilitang mag-crash landing ang unang chopper dahil sa malakas na hangin. Wala namang nasawi sa insidente, bagamat may mga nasugatan.

Samantala, walang dudang malayo na ang narating ni Vilma, na matagumpay na napagsama ang public service at pag-aartista.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, iminungkahi ng huli na maglabas si Ate Vi ng isang memoir dahil very colorful at interesting ang kanyang buhay.

Okay naman kay Ate Vi ang idea, pero huwag muna raw ngayon. Sinasalang maigi ni Ate Vi ang mga offers na tinatanggap niya ngayon.

Bihira na nga lang daw siyang makagawa ng pelikula, kaya naman gusto niya ay super g a n d a ang kuwento, at ang istorya ay angkop sa kanyang edad. Sa pagkakapili kay Liza Soberano bilang new Darna sa pelikula—na kung anu-anong aberya na ang p i n a g d a a n a n kaya ilang beses n a n g n a u r o n g ang shooting—ay aprub si Ate Vi, at willing pa nga siyang mag-cameo role sa karakter na minsan a y g i n a m p a n a n niya.

-REMY UMEREZ