BIYAHENG-Spain si Atom Araullo ngayong Linggo, at sa kauna-unahang European adventure ng The Atom Araullo Specials, mapapasabak sa matinding food trip ang Kapuso broadcast journalist. Ang kanyang travel goal: Hanapin ang mga exquisite Spanish cuisine na may kinalaman daw sa ating pagka-Pilipino.

Atom Araullo copy

First stop ni Atom sa medieval city ng Segovia, kung saan daw matitikman ang missing link ng lechon ng Pilipinas. Ang bida sa mga handaan dito, ang Spanish version ng lechon, na kung tawagin ay cochinillo.

Dadayuhin din ni Atom ang blockbuster na kainan sa Madrid, ang pinakamatandang restaurant sa buong mundo na 293 years old na—ang Sobrino de Botin. At sa restaurant na ito, Pinoy lang naman ang kanilang master cook!

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

‘G’ din si Atom na magtungo sa Valencia, ang tinaguriang “Home of the Paella”. Ang kanyang food quest, alamin ang original ingredients ng authentic paella. Clue: Hindi raw seafood!

At hindi rin puwedeng mawala ang spice nilang saffron, na isa sa pinakamahal na pampalasa sa buong mundo sa tumataginting na halagang P200,000.

Mag-a-apprentice rin si Atom bilang cortador o ham slicer sa Madrid na isa sa highest paying jobs sa Spain. Ang magtuturo sa kanya, ang kauna-unahang Maestro Cortador Filipino.

Talaga namang isang mouth-watering adventure ang handog ng Spain trip ni Atom na ito. Kaya invited ang lahat sa isang salu-salo sa The Atom Araullo Specials: iCelebremos! ngayong Linggo, 4:30 p.m. sa GMA 7.