GINABAYAN ng mag-amang coach Loreto Tolentino at Elvis Tolentino, nakabawi ang PCU Dolphins sa malamya nilang panimula upang magapi ang Blue Thunders.

Nanguna para sa opensa ng Dolphins ang mga beteranong sina Von Jovi Tambeling, Yves Sazon, Brent Palatao, Reyl Vasquez at Dexter Mescallado.

Tinanggap ng PCU ang tropeo mula kay Basketball Association of the Philippines (BAP) president Prof.Robert Milton Calo at FESSAP State College Affair Committee chair Allan Soria at NCR commissioner Nestor Macatuno.

Nauna ng tinalo ng PCU ang University of Perpetual Help Jonelta System, 69-67, habang namayani ang RTU laban sa University of Rizal 75-63 sa crossover semifinals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos namang pangatlo ang Saints makaraang manaig kontra URS Giants, 65-55.

Ang Dolphins ang top finisher sa Manila- A leg matapos magwagi kontra Mapua (90-76), AIMS (71-60) at Trace College (97-73).

Nanguna naman ang Blue Thunders, sa Manila-B makaraang magwagi laban sa TUP, City College of Malabon at PhilSCA habang pinangunahan ng Saints ang Laguna leg na kinabibilangan ng AsiaTech, San Pablo College at San Pedro Business Administration at ang Giants ss Rizal leg sa pamamagitan ng paggapi sa University of Makati at Cainta Catholic College.

-Marivic Awitan