BALIK shooting si Sylvia Sanchez sa Cebu City na siyang principal location ng pelikulang When Sadness Lingers kasama si Nonie Buencamino, sa direksyon ni Mike Muschamp, isang British naka-base sa nasabing lugar.

Sylvia at Jojo

Pinalipas muna ni Ibyang ang Undas sa ibang bansa, “may naiwang isang shooting day, eh. Eksena ko lang ang kinunan,” kaswal na sabi sa amin.

At dahil nasa Cebu na rin naman ay pinapunta ng aktres ang mama Rosyline Campo niya at ibang tiyahin para makapag-bonding naman sila. Ganyan naman talaga si Ibyang hanggat may pagkakataon at kaya ng schedule niya ay talagang dinadalaw niya ang ina sa Nasipit, Agusan del Norte o kaya magkikita sila sa Cebu.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Base sa mga litratong ipinost ng aktres sa kanyang social media accounts, makikitang kinukulit niya si Nanay Rosyline niya, na halatang masayang-masaya habang naghuhugas ng plato.

Caption ni Ibyang sa larawan, “Nang kinulit ko ang #NANAY ko. Kahit may asawa’t anak na ako, iba pa din ang ligaya kapag kasama si #MAMA iba pa din ang pag-aaruga at haplos ng isang #INA hindi kami perpektong #MagIna minsan may hindi pinagkakasunduan, nagkakainisan pero iisa lang ang alam namin sa isa’t isa, hinding hindi kami mag iiwanan. I Love You #MAMA @rosylinecampo hanggat buhay ako, sagot kita#motherdaughterbonding #luckydaughter #happydaughter #simplebonding #angsayasaya #motherslove #mothers...

Nakakaaliw din ang swimming contest nila dahil pareho pa sila ng kulay ng bathing suit.

“Mana mana talaga sa kakulitan haha #MAMA ko naman ang nangulit sa akin ngayong umaga, swimming daw kami at paligsahan sa paglangoy, pabilisan daw pero no’ng nauna ako biglang nagsabi, kung sino daw ang nauna ‘yon ang talo hahaha iba ka talaga mahal kong #INA hahaha #motherdaughterbonding #unconditionallove #amotherslove#amothersloveisforever #motherscare #GOD’Sgift #angsayasaya #peaceful #mygreatestlove #family#b­lessed #grateful #priceless #SylviaHera #cebucity #shangrilamactan.”

Magda-dalawang dekada na namin kilala si Ibyang at saksi kami kung gaano niya kamahal ang magulang at mga kapatid, kaya naman hindi siya nawawalan ng project dahil marunong siyang mag-share.

Kaya naman sobrang blessed ng aktres, bukod pa sa nabigyan siya ng mababait na mga anak at very supportive husband.

Laging biro ni Ibyang, “’pag yumaman ako ng husto, damay-damay lahat ng mahal ko at mga taong nakasama ko noong walang-wala ako.”

Susme, maski naman hindi yumaman si Ibyang ay panay pa rin ang pagbabahagi niya sa lahat at marami rin siyang natutulungan na ibang tao (pero ayaw niyang ipasulat, oops, sorry Ibyang nadulas ang keypads ha, ha, ha).

Going back sa pelikulang When Sadness Lingers, wala pang ideya si Ibyang kung kailan ito ipalalabas at mukhang plano itong ilaban sa film festivals sa ibang bansa.

As of this writing ay maraming movie offers ang aktres at kasalukuyan nila itong pinag-aaralan ng manager niyang si Anna Goma.

-REGGEE BONOAN