NAGPOSTE ng mga numerong kadalasang ginagawa ng mga imports si Fil-German rookie Christian Standhardinger na nagresulta sa kanyang pagiging runaway leader sa statistical race para sa labanan sa Best Player of the Conference ng PBA Governors Cup.

Pinangunahan ni Standhardinger ang mga local players sa scoring at maging sa rebounding at sya rin ang nag-iisang player na may double-double averages upang makalikom ng kabuuang 43.1 statistical points.

Nakapagtala ang 6-foot-8 center/ forward ng 23.3 puntos at 13.6 rebounds kada laro bukod sa 1.6 assists, 0.9 steal at 0.6 block sa nakaraang eliminations ng season-ending conference.

Ang tanging hindi maganda para kay Standhardinger ay ang 6th-place finish ng Beermen sa prelims at kailangan nilang talunin ng dalawang beses ang Alaska upang makausad sa best-of-five semifinals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pumapangalawa kay Stanhardinger si Barangay Ginebra center/forward Japeth Aguilar na may averages na 19.9 puntos, 6.9 rebounds, 1.8 assists, 1.0 block, at 0.5 steal upang makatipon ng 34.8 statistical points.

Nakabuntot naman kay Aguilar si Alaska guard Chris Banchero (34.2), pang-apat si NorthPort ace playmaker Stanley Pringle (34.0) at panglima si Phoenix Petroleum forward Calvin Abueva (31.9).

Kasama naman nila at nakahanay sa top 10 sina NorthPort guard Sean Anthony (31.3), Magnolia playmaker Paul Lee (30.9), TNT KaTropa hotshot Terrence Romeo (30.4), Ginebra guard Scottie Thompson (30.1) at Columbian Dyip pointguard Jerramy King (29.1).

Si Banchero ang syang nangunguna sa assists (8.7) habang si Anthony naman ang lider sa steals (2.25).

Samantala, mahigpit naman ang labanan sa Best Import kung saan nangunguna si Alaska reinforcement Mike Harris (60.4), kasunod si Justin Brownlee (59.1) ng Kings, at Phoenix import Eugene Phelps (58.0).

-Marivic Awitan