Ipinagmalaki ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang pagkapanalo ni artistic gymnast Carlos Edriel Yulo’s ng bronze sa kanyang naging kampanya para sa 48th World Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Doha Qatar.

Carlos

Carlos

Ang 18-anyos na si Yulo ng kaun-unahang Filipinong atleta na nagwagi ng medalya para sa Pilipinas sa World Championship sa gymnastics.

Isang kasaysayan ang ginawa ni Yulo, ayon kay Ramirez, dahilan upang makilala muli ang Pilipinas sa larangan ng isport.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“We at the PSC are more than happy for the historic achievement Yulo has done for the country,” ayon kay Ramirez.

“Caloy has been a one of our consistent athletes that is why the PSC has been very supportive of his efforts. “He has proven to be a good investment of the people’s money given the achievements he continues to bring home,” dagdag pa ng PSC chief.

Inayudahan ng PSC ang pagbiyahe ni Yulo at ng staff ng Gymnastics association patungong Qatar kung aan inaprubahan ng Board ang halagang 1.4 milyong piso upang masuportahan ang kampanya ng delegasyon sa kompetiyon na nagsimul noong Oktubre 19 hanggag Nobyembre 4.

Samantala, sinabi naman ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president na si Cynthia Carreon na hindi madali ang target ni Yulo upang masilat ng puwesto para sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa katanuyan, nakatakda muling lumaban si Yulo sa Cottbus World Cup na gaganapin sa Germany ngayong darating na Nobyembre 22 hanggang 25 gayung kilangan niyang lumahok sa mga nasabing kompetisyon upang masiguro ang slot sa olimpiyada.

“It’s not easy to qualify in the Olympics especially in gymnastics. That’s why he has to compete in all these tournaments,” pahayag ni Carrion, nang dumalo ito sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon.

-Annie Abad