Nananatili sa 6.7% ang inflation rate nitong Oktubre, hindi nagbago sa naitala noong Setyembre, ayon sa opisyal na datos na inilabas kahapon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, ang datos na nakalap nitong Oktubre ay patunay na paunti-unti nang bumababa ang inflation rate ng bansa.

Ang naitalang inflation nitong Oktubre ay pasok sa forecast range ng BSP na 6.2%-7.0%.

Sa unang 10 buwan ng 2018, ang inflation ay naitala sa average na 5.1%, lumampas sa target ng gobyerno na 2.0%-4.0%.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito rin umano ang senyales na babalik na ang inflation sa target ng BSP, sa susunod na taon.

“It’s a significant deceleration although the headline figure remains elevated. Second round effects are also muted so far,” saad sa pahayag ni Espenilla.

Magugunita na nitong Linggo lang ay sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na simula ngayong Nobyembre ay mararamdaman na ang epekto ng mga hakbangin ng gobyerno upang lutasin ang lumolobong inflation sa bansa.

Kabilang sa mga ito ang pagsuspinde sa ikalawang bahagi ng pagtaas sa fuel excise taxes, paghikayat sa mga manufacturer ng mga pangunahing pagkain na magpatupad ng price freeze sa loob ng tatlong buwan, at pag-apruba sa mas maluwag na pag-aangkat ng bigas at iba pang pagkain

-BETH CAMIA